Bilang paghahanda sa paglunsad ng VaxCertPH sa Metro Cebu, Rehiyon III at IV-A, at Davao City sa darating na Setyembre 24, 2021, ang DILG-7 ay lumahok sa isang virtual na pagpupulong Sabado, Setyembre 18, 2021 sa Zoom.
Dinaluhan ito ng mga kawani ng rehiyonal na tanggapan pati na rin ng sub-rehiyonal na tanggapan sa lalawigan ng Cebu, Bohol, Negros Oriental, at Siquior, at Cebu City, Mandaue City at Lapu-Lapu City.
Kasama rin sa dumalo ang ibang mga kawani ng DILG sa Rehiyon III, IV-A at Metro Davao, pati na rin ibang mga ahensya ng pamahalaan, mga field officer, at mga VaxCert coordinator sa mga lokal na pamahalaan sa nasabing mga lugar.
Kabilang sa tinalakay sa pagtitipon ang mga naangkop na mga tools at stratehiya para sa matagumpay na paglunsad ng VaxCertPH, bukod sa iba pa.Si USec. Jonathan Malaya, Undersecretary for Plans, Public Affairs and Communication ay nagbigay ng kanyang mensahe sa mga dumalo.
Sa kanyang mensahe, binigyang diin niya ang kahalagahan ng kooperasyon ng LGUs at mga ahensya ng pamahalaan na magbigay ng napapanahon at tumpak na data para sa maayos at matagumpay na pag-issue ng mga digital vaccine card.
“Since we intend to vaccinate 80 percent of our population because of the Covid-19 pandemic, practically lahat ng Filipino ay magkakaroon nitong VaxCert na ito. So para mas madali ang buhay ng ating kababayan, dinevelope natin itong digital certificate na ito. So this is very important this is very crucial and kailangan po sa LGU level palang maliwanag na kung ano yung responsibilidad natin,” sabi ni Malaya.
Samantala, nagbigay rin ng kanyang mensahe si Panlalawigang Direktor ng Cebu Jhoaden Lucero sa mga dumalo bago nagtapos ang pagtitipon.
“Because we believe that our LGUs are the most important player in this undertaking. Thank for your questions and your active participation. The success of this activity or this endeavor largely depends on your response and efforts to make it working on the ground,” sabi ni Lucero
Ang VaxCertPH o digital vaccination certificate ay layong magkaroon ng iisa at internationally recognized certification bilang patunay na bakunado na ang isang indibidwal.