Ang DILG-7 ay lumahok sa dalawang araw na virtual training na pinamagatang Strengthening of Water Service Providers na isinagawa ng Office of Project Development Services nitong Setyembre 14-15 sa Zoom.

Ang aktibidad ay naglalayong mapabuti ang paghatid ng serbisyo ng mga lokal na pamahalaan sa kanilang kuminidad ng mainam at malinis na supply ng tubig.

Dinaluhan ito ng mga kawani ng Project Development and Management Unit ng tanggapan na pimumunuan ni LGOO V Rommel Correa, pati na rin mga program manager at focal person ng mga sub-rehiyonal na tanggapan sa Bohol, Cebu, Negros Oriental at Siquijor.

Samantala, ang mga resource person sa sinagawang virtual training ay mga water system functionary at mga kawani ng mga rehiyonal na water at sanitation hub na tinalakay ang sustainable na pagpapatakbo at pamamahala ng mga water system, kasalukuyang performance ng mga LGU-managed water utility, bukod sa iba pa.