Upang masubaybay at masuri ang mga spill-over locally funded projects (LFPs) ng rehiyon mula sa pondo ng taong 2018 at mga nakaraang mga taon, ang DILG-7 na pinamumunuan ni Dir. Leocadio Trovela at ang DILG Office of Project Development Services ay nagsagawa ng virtual pulong-koordinasyon nitong Setyembre 7, 2021.

Ang mga lumahok ay mga lokal na pamahalaan sa rehiyon at mga tauhan ng DILG-7 Project Development and Monitoring Unit na pinamunuan ni LGOO V Rommel Correa at Local Government Capability Development Division Chief Maria Thelya Oporto, pati na rin ang mga focal person at project manager ng mga sub-regional office sa Bohol, Cebu Province, Negros Oriental at Siquijor.

Si PDMU Chief Rommel Correa, sa kanyang mensahe, ay binigyang diin ang kahalagahan ng aktibidad na ito sa pagkilala ng mga naaangkop na interbensyon at mga posibleng solusyon upang mapabilis ang pagkumpleto ng mga LFP sa rehiyon.

Sa kasalukuyan, mayroong 513 nakumpletong LFPs sa rehiyon mula sa pondo ng taong 2018 at mga nakaraang mga taon.